Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс
ngunit sa pagtagal ay lumaking matitikas ang kanyang mga kapatid. Nakaramdam din siya na parang unti unti siyang pinapaalis ng mga ito sa silid. Nasaktan si Thor ngunit ngayon ay mas gugustuhin na niyang malayo sa kanila. Doon niya napatunayan na hindi siya tanggap ng kanyang pamilya at ngayon ay tanggal na niya ito.
Agad agad na pumasok si Thor sa kanilang pintuan.
"Itay!", sigaw niya habang hinahabol ang kanyang paghinga.
Ang kanyang ama at tatlong kapatid ay magkakasamang nakaupo sa hapag kainan at nakahanda na para sa pagpili. Pagkarinig sa kaniyang boses ay nagsipagtayuan ang mga ito at dali daling lumabas ng bahay. Sinundan sila ni Thor palabas.
"Wala naman akong nakikita. " ang sabi ni Drake, ang pinakamatanda sa mga magkakapatid. Tinitigan niya si Thor ng kanyang kulay lupa na mga mata, manipis at animo'y galit na mga labi.
"Ako di , " ang sagot ni Dross, na 1 taon ang agwat kay Drake at laging kakampi nito.
"Paparating na sila," ani Thor. "Maniwala kayo!"
Lumapit ang ama ni Thor at hinawakan ng mahigpit ang braso nito.
"At pano mo naman nalaman?", diin ng kanilang ama.
"Nakita ko sila."
"Paano? Saan?"
Nagdalawang isip si Thor na sumagot. Alam ng kanilang ama ang lugar na maaring pinaggalingan ni Thor kung saan niya nakita ang mga tauhan ng kaharian. Hindi alam ni Thor kung paano sasagutin ang ama.
"Umakyat po ako.....sa burol"
"Kasama ang mga tupa??? Alam mo namang hindi sila maarig lumayo ng ganon!""Pero iba ang araw na ito itay. Kailangan ko pong makita"Sumama ang tingin ng kanyang ama."Pumasok ka sa loob at linisin at kunin mo ang mga armas ng mga kapatid mo. Para mapansin sila ng mga tauhan ng hari sa kanilang pagdating."Ibinaling agad ng ama ni Thor ang kanyang tingin sa 3 magkakapatid, na inoobserbahan ang daan.
"Mapipili kaya tayo?" Tanong ni Durs na tatlong taon ang tanda kay Thor.
"Mga hangal sila kung hindi nila kayo pipiliin" sagot ng ama. "Kulang sila sa mga tauhan ngayong taon. Nahirapan silang maghanap galing sa mga sarili nilang angkan, dahil hindi sila pupunta dito kung meron. Tumindig lang kayo ng ayos at taas noo. Huwag niyo silang titiga ng diretso sa mata,ngunit huwag din kayong lilihis ng tingin. Maging matapang at lakasan ang loob. Huwag magpapakita ng kahinaan. Kung gusto ninyong maging kasapi ng Legion ng kaharian, kumilos kayo na parang mga kasapi na kayo nito."
"Opo itay!" Tugon ng tatlo.
Tumingin muli ang kanilang ama kay Thor.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong niya. "Pumasok ka na sa loob!"
Tumindig laman si Thor doon. Hindi niya nais na sumuway sa kanyang ama ngunit kailangan niyang magsalita para sa sarili niya. Palakas ng palakas ng kabog ng dibdib ni Thor. Naisip niya na mas makakabuti kung susundin na lang niya ang utos ng ama bago niya ito kausapin.
Agad agad pumasok si Thor sa bahay papunta sa kinaroroonan ng mga armas. Nakita niya ang tatlong espada ng kanyang mga kapatid,kamangha mangha, na regalo ng kaniyang ama sa kanila. Kinuha niya ang mga ito at agad na ibininigay sa kanyang mga kapatid.
"Ano ito? Bakit hindi mo nilinis?" Sabi ni Drake.
Agad na lumapit ang ama nito ngunit bago ito malapagsalita, biglang umimik si Thor.
"Itay, gusto ko po kayong makausap."
"Hindi ba ang sabi ko sayo linisin mo ang mga armas!"
"Pakiusap Itay!"
Tinitigan si Thor ng kanyang ama. Siguro ay nakita nito sa mukha ni Thor na importante ang sasabihin nito. "Ano?"
"Gusto ko pong magboluntaryo para sa mga pipiliin para mapabilang sa legion."Nagtawanan ang mga kapatid ni Thor sa likod,kaya bigla itong namula sa kahihiyan. Ngunit hindi man lamang ngumiti ang ama ni Thor.
"Ikaw?" Tanong ng ama.Tumango naman si Thor.
"Labing apat na taon na po ako. Maari po akong sumali."
"Kung pipiliin ka nila ikaw ang magigin pinakabata. Sa tingin mo ba mas pipiliin nila ang tulad mo kumpara sa akin na limang taon ang tanda sayo?" Ang tugon ni Drake.
"Wala ka talagang respeto" dagdag ni DursTumingin si Thor sa mga kapatid, "Hindi kayo ang tinatanong ko."Muling ibinalik ni Thor ang tingin sa kanyang ama.
"Pakiusap Itay." Ang sabi ni Thor. "Bigyan niyo po ako ng pagkakataon. Iyon lamang po ang hinihingi ko. Alam kong bata pa ako, pero papatunayan ko po sa inyo ang sarili ko. "
Ngunit umiling ang ama.
"Hindi ka isang mandirigma. Hindi ka tulad ng mga kapatid mo. Isa ka lang tahapagalaga ng mga tupa. Ang buhay mo ay para dito. Kasama ko. Gagawin mo ang mga responsibilidad mo dito. Huwag kang mangarap ng mataas. Tanggapin mo ang buhay na para sa iyo at matuto kang tanggapin ito."
Nadurog ang puso ni Thor habang nakikita niyang gumuguho ang lahat ng pangarap niya.
"Hindi, naisip ni Thor. Hindi ito maaari."
"Ngunit itay,"
"Tama na!!!" Sigaw ng ama nila, "tumigil na ka. Nandito na sila. Umalis ka sa daan at magiingat ka sa mga ikikilos mo habang nandito sila"
Itinulak si Thor ng kanyang ama na parang isa lamang siyang bagay na ayaw niyang makita. Biglang nagkagulo ang mga tao ang naglabasan sa mga bahay nila. Pinagkaguluhan ang mga karwahe na nagsidatingan.
Dumating sila sa bayan na parang makikipaglaban. Tumigil ang mga kabayo. Unti unting nawala ang alikabok dulot ng pagdaan ng mga kabayo. Sinubukan ni Thor na sulyapan ang mga armas at kagamitan ng mga mandirigma. Ngayon lamang niya nakita ng malapitan ang mga Silver, kaya kumabog ng husto ang kanyang dib dib.
Unang bumaba ang tauhan mula sa unang karwahe. Totoo na ito, isang tunay na myembro ng Silver, na nakasuot ng Silver na kasuotan na may mahabang espada sa kanyang tagiliran. Mukha siyang nasa ika tatlumpung taong na edad, isang tunay na lalaki, matigas ang mukha, may mga marka ng sugat sa pisngi at ilong na naiba naang hugis dahil sa pakikipaglaban. Siya ang pinakamakisig na lalaking nakita ni Thor, mas malaki ang katawan kumpara sa iba at mahahalata sa kanyang tindig na siya ang pinuno ng mga mandirigma.Bumaba siya sa karwahe at pinuntahan ang mga lalaki na nakalinya sa unahan.Dose dosenang mga lalaki ang nakatindig sa harapan at umaasa. Ang pagsali sa Silver ay simbolo ng pagkakaroon ng buhay na puno ng parangal, respeto at may kasamang lupa, mataas na katayuan sa buhay at kayamanan. Ang mapipili ay maaring makapangasawa ng pinakamagandang babae sa kaharian at makapili sa pinakamalalaking lupain. Magbibigay iti ng karangalan sa bawat pamilya at ang pagsali sa Legion ay ang unang hakbang.Pinagmasdan ni Thor ang mga karwahe at alam niyang iilan lamang ang mapipili na makakasakay dito. Malaki ang kaharian at madami pa silang bayan na dadaanan. Napalunok siya habang napagtanto niya na mas maliit lamang ang tyansa na mapili siya kumpara sa naiisip niya. Kailangan niyang talunin lahat ng mga lalaki sa bayan nila na mga natural na mandirigma, pati ang tatlo niyang kapatid. Mas lalong lumubog ang kanyang pakiramdam.Hindi makagalaw si Thor habang nagmamasid ang mga mandirigma. Nagsimula sila sa dulo ng daan papasok ng nayon at paikot silang nagmasid. Kilala ni Thor ang lahat ng mga sumali. Alam din niya na ilan sa mga ito ay napipilitan lamang dahils a kagustuhan ng kanilang pamilya. Takot sila, hindi sila karapat dapat maging mandirigma.Alam ni Thor na may karapatan siyang mapili tulad ng iba. Mas malaki ant mas matanda ang mga kapatid niya ngunit hindi ibig sabihin ay wala na siyang karapatan na tumayo sa harap nila at mapili. Napuno siya ng galit para sa kanyang ama at halos sumabog ito ng lumapit ang mandirigma sa kanya.Tumigil ang mandirigma sa harap ng kanyang mga kapatid. Tiningnan niya ang mga ito mula ulo hanggang paa at mukang namangha ito. Kinuha nito ang isa sa mga espada ng mga kapatid at inihagis. Ani'y sinusubukan sila kung paano sila humawak ng sandata.Napangiti ang mandirigma."Mukhang hindi mo pa nagagamit ang iyong espada sa pakikipaglaban, tama ba?" Tanong nito kay Drake.Nakita ni Thor sa unang pagkakataon ang takot sa mukha ng kapatid. Napalunok ito."Tama po. Ngunit nagamit ko na ito ng ilang beses sa pagiinsayo at sana po ay…""Pagiinsayo?"
Biglang tumawa ang pinuno ng mga mandirigma at sumunod sa pagtawa ang ibang mga tauhan.Namula sa kahihiyan si Drake at ito din ang unang beses na makita ni Thor ang kapatod sa ganitong sitwasyon."Dapat ko palang balaan ang mga kalaban na katakutan ka, ikaw na ginagamit lamang ang sandata sa pagiinsayo."Muling