Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс
At iyon ang dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi ang Hari. Ito ang dahilan ng pagdiriwang ngayong araw. Ikakasal ang kanyang panganay na anak na babae. Isang kasal upang makipagkasundo sa kanyang mga kaaway mula sa Silangang kaharian sa loob ng Bilog na Kalupaan.Malawak ang sinasakupan ng Bilog na Kalupaan. Ngunit nahati ito sa gitna ng mga naglalakihang mga bundok. Sa kabilang bahagi nito ay ang Silangang Kaharian na pinamumunuan na isa pang hari at kanilang matagal ng mga kalabas, ang mga McClouds. Hindi marunong makuntento ang mga McClouds. Hindi sila nasisiyahan sa bahagi na kanilang pinamumunuan. Maging ang mga matataas na kabundukan sa gitna ay kanila ring kinukuha kahit na halos kalahati nito ay pagmamayari ng mga MacGil. Kaya simula pa noon ay nagbabanta sila ng digmaan.Hindi maiwasan ni MacGil ang mabalisa. Dapat lang maging masaya ang mga McClouds dahil ligtas sila sa loob ng Bilog at napoprotektahan ng pader. Wala silang dapat ikatakot. Bakit hindi pa sila makuntento? Dahil pinalakas ni MacGil ang pwersa ng kanyang mga mandirigma kaya hindi masubukang umatake ng kabilang panig. Ngunit, matalas ang isip ni MacGil at alam niyang ang katahimikan na ito ay hindi magtatagal. Kaya pinagkasundo niya ang kanyang anak na babae sa panganay na anak na lalaki ng mga McClouds para sa isang kasal. At dumating na ang araw ng kasal.Sa kanyang pagtingin sa ibaba, daan daang mga tauhan ng kaharian ang kanyang nakita na nagkalat sa buong sulok ng kaharian. Nakadamit ng nagtitingkaran na mga kasuotan. Dahil hindi lamang ito araw ng kasal, ito ay araw para iparating ang kanyang mensahe sa mga McClouds.Daan daang ring mga mandirigma ang nagkalat sa buong kaharian.Sapat na dami ng mandirigma na magpapakita sa lakas ng kanlurang kaharian. Ngunit umaasa pa din ang hari na sana'y maging matiwasay ang lahat sa araw na ito.Pinagmasdan niya ang lahat ng mga nangyayari. Inisip din niya ang lahat mga magaganap na mga paligsahan at palaro pagkatapos ng kasal. Panigurado ay magdadala rin ang mga McClouds ng mga sariling mga tauhan at bawat paligsahan ay may kahulugan sa kanila. Magkaroon lamang ng konting gusot ay maari itong mauwi sa digmaan."Mahal na Hari?"Naramdaman niya ang malambot na kamay ng kanyang reyna sa kanyang balikat, si Krea, na siya pa ding pinakamagandang babae na nakita ng hari sa kanyang buhay. Masaya ang kanilang pagsasama. Mayroon silang limang anak, tatlo doon ay lalaki, at wala silang naging reklamo kahit kailan. Siya din ang pinakapinagkakatiwalaang tagapayo ng hari. Mas matalino pa ang reyna kaysa sa mga lalaking tagapayo at maging sa hari."Ang araw na ito ay puno ng pulitika" sabi ng reyna, "ngunit araw din ito ng kasal ng iyong anak. Subukan mong magsaya. Ngayon lamang mangyayari ito.""Hindi ako nagaalala noong walang wala pa tayo, pero ngayong nasa atin na ang lahat puro pagaalala ang nararamdaman ko. Ligtas tayo pero iba ang nararamdaman ko"Tumingin lamang ang reyna sa kanyang mga mata. Ang mga malalaki at kulay lupang mga mata ng reyna ay nangungusap na parang alam niya ang lahat. Mayroon siyang mahabang buhok na mamumuti na. May mga ilang linya na sa kanyang mga mata ngunit wala pa ring nagbago sa kanyang magandang mukha."Iyon ay dahil hindi ka talaga ligtas," sabi ng reyna, "walang hari ang ligtas. Madaming espiya ang nasa loob ng iyong kaharian. At hindi na magbabago iyon."Lumapit ito sa hari at hinalikan."Subukan mong magsaya" ang sabi ng reyna, "isa itong kasal"Tumalikod ang reyna at pumasok sa loob.Pinagmasdan lamang ng hari ang papaalis niyang reyna. Tama siya; palagi naman siyang tama. Gusto niyang makisaya. Mahal niya ang kanyang anak at isa itong kasal. Isa itong napakagandang araw, kasabay ng napakagandang panahon. Paparating na ang tagaraw,ngunit malamig pa din ang simoy ng hangin. Magaganda ang sibol ng mga puno at halaman. Nagtitingkaran ang mga kulay ng mga bulaklak,l. Asul, dilaw, berde at madami pa.Walang ibang gustong gawin nag hari kundi ang makisaya kasama ang kanyang mga tauhan, pagmasdan ang kanyang anak sa kaniyang kasal at uminom ng alak hanggang sa hindi na niya kaya.Ngunit hindi maari. Madami pa siyang kinakailangang asikasuhin bago makalabas ng kaharian. Dahil ang araw ng kasal ng kanyang anak ay nangangahulugan ng mas madaming obligasyon para sa hari, kinakailangan din niyang makipagusap sa kanyang mga tagapayo; kasama ang kanyang mga anak at ang mahabang pila ng mga tao na may karapatan upang makita ang hari. Maswerte na ang hari kung matapos niya ang lahat bago magsimula ang kasiyahan.
Si haring MacGil, suot ang kanyang pinakamarangyang kasuotan, itim na pantalon, gintong sinturon, ang kasuotan ng hari na yari sa pinakamagandang klase ng tela, makintab na sapatos at suot ang kanyang gintong korona na napalilibutan ng mamahaling bato, ay bumaba sa kastilyo na puno ng mga tauhan. Dinaanan niya ang mga ibat ibang silid na may mga naglalakihang mga pinto. Hanggang sa makarating siya sa dulong pinto na yari sa isang puno ng narra. Binuksan ito ng mga tauhan at saka pumasok ang hari. Ang silid ng trono.Nagtayuan ang mga tagapayo sa pagpasok ng hari."Magsiupo kayo", ang sambit ng hari. Pagod na siya dahil sa mga gawain sa kaharian at gusto na niyang matapos ang lahat.
Inikot niya ang silid ng trono na sadya namang nakakamangha. Nagtataasan ang mga kisame nito,ang mga pader nito ay napapalibutan ng mga salamin at ang sahig naman ay yari sa bato. Kaya nitong pagkasyahin ang isang daang tao ngunit sa mga ganitong araw, tanging ang hari at ang kanyang mga taga payo ang nasa loob ng silid. Sa gitna ng silid ay may malaking lamesa na hugis bilog. Doon nakahilera ang kanyang mga tagapayo.Umupo siya sa kanyang trono. Isang malaking silya na kulay ginto at pulang mga unan. Dito umupo ang kanyang ama, ang kanyang lolo at lahat ng mga naging hari ng kaharian na ito. Sa kanyang pagupo, nakaramdam siya ng bigat sa pakiramdam.
Pinagmasdan niya ang kanyang mga tagapayo. Nandoon si Brom, ang kanyang magaling na heneral at tagapayo sa mga kawal; si Kolk, ang pinuno ng Legion; Aberthol, ang pinakamatanda, iskolar at naging tagapayo ng hari sa loob ng tatlong henerasyon; si Firth, tagapayo ukol sa internal na mga gawain, isang maliit na lalaki na may puting buhok. Si Firth ang tanging hindi pinagkakatiwalaan ng hari. Hindi rin niya maintindihan ang tunay na papel niya sa kaharian. Ngunit nagsilbi si Firth noong panahon pa lamang ng kanyang ama at bilang respeto ay tinanggap niya pa din ito. Nandoon din si Owen, ang kanyang taga ingat yaman; Bradaigh, tagapayo para sa mga external na gawain ng hari; si Earnan, ang tagakolekta ng buwis; Duwayne, ang tagapayo ukol sa mga mamamayan at si Kelvin, ang kinatawan ng mga marangal.Ang hari pa din ang kumokontrol ar nagdedesisyon sa lahat. Ngunit ang kaharian nila ay liberal at ang kanyang mga ninuno ay binibigyan ng malaking importansya ang opinyon ng mga marangal, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan. Sa kasaysayan ng kaharian, hindi naging madali ang pagbalanse sa desisyon ng hari at ng mga marangal. Ngunit ngayon ay mas nagiging matiwasay na ang lahat. May mga ilang pagkakataon lamang na nagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan.
Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga tagapayo, kanyang napansin na wala ang pinakagusto niyang makita at makausap sa lahat, si Argon. Katulad ng dati, kung saan saan at bigla bigla na lamang nagpapakita si Argon. Hindi ito nagugustuhan ni MacGil, ngunit tinanggap niya pa din ito. Kakaiba talaga ang mga Druids. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, madami pa siyang kakailanganing gawin bago ang kasal.Nakapalibot ang mga tagapayo sa bilog na lamesa. Nakaupo sa mga upuan na yari sa matitibay na punong kahoy.
"Maari na po ba nating simulan?" Ang sabi ni Owen
"Sige. Ngunit pakiiklian lamang ito. Madami pa akong kailangang gawin."
"Makakatanggap ngayon ng mga magagarbong regalo ang inyong mahal na anak. Madaming mamamayan ang magbibigay puri at maghahandog ng alay sa inyo na makakadagdag din sa ating pondo. Ngunit madaming preparasyon para sa araw na ito na siguradong makakabawas ng malaki sa ating pondo. Imumungkahi ko na taasan ang buwis ng mga mamayan, isahang buwis upang mabawi ang mawawala sa pondo dahil sa pagdiriwang na ito."
Nakaramdam ng labis na pagaalala ang hari dahil sa pagbasak ng pondo. Ngunit hindi niya maaring taasan muli ang buwis.
"Mas mabuti pa ang magkaroon ng mababang pondo kaysa mawala ang mga tapat na mga tao" sagot ni MacGil. "Ang ating yaman ay nagmumula sa masasaya nating mga mamamayan. Hindi natin dapat sila pahirapan."
"Ngunit mahal na hari, kung hindi po natin…"
"Nakapagdesisyon na ako. Sunod!"
Napabalik na lamang sa kanyang upuan si Owen.
"Mahal na hari," ang sagot ni Brom gamit ang malalim na boses nito, "tulad po ng pinaguutos po ninyo, pinakalat ko na po ang ating mga tauhan sa lugar na pagdadausan ng pagdiriwang. Nakakahanga po ang maipapakita nating hukbo ngunit kung sakaling may gulo na mangyari sa ibang bahagi ng kaharian, hihina po ang ating pwersa"Tumango lamang ang hari."Hindi aatake ang ating mga kalaban habang pinapakain natin sila."
Nagsipagtawanan ang mga tagapayo.
"At anong balita sa mga bulubundukin?""Wala pong natala na kahit anong galaw simula pa noong isang buwan. Mukhang naghahanda po ang lahat para sa kasal. Marahil ay handa na silang makipagkasundo"Hindi sigurado ang hari sa bagay na iyon."Maaring ang