Dakilang Asal. Aurelio Tolentino
karayom
na kakalat-kalat ó kaya natapon,
pulutin mo agad at ilagay doon
sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.
Karayum ay mura't walang kasaysayan,
n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan:
karayum na walá sa dapat kalagyan
ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.
IV
SA PAGBIBIHIS
Ang damit na iyong dapat na isuot
ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos
ang tipon n~g ganda't inam na tibubos
na sa katamtamang sa kulay ay ayos.
Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,
n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka,
at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:
ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga.
Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.
n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit;
mainam ang luma, kung buo,t malinis,
kay sa bagong wasak ó may duming bahid.
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,
kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay;
ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal
kahit man binili, parang hiram lamang.
Kahit na sa bahay ay dapat magsuot
n~g damit na puting talagang pangloob,
at huag mong gayahan ang asal na buktot
sa gawing malinaw … ¡Hubu't hubad halos!
Limutin ang cotso, at magbotitos ka,
ang paa mo't binti upang huag makita:
babaying may puri di dapat magtinda
n~g dapat itago sa alin mang mata.
Botitos ay mura, bukod sa mainam,
at talagang dapat sa mahinhing asal;
cotso't sapatilya ay napakamahal,
sa may hiyang paa talagang di bagay.
Di mo masasabing mahal na tibubos,
sapagka,t matibay kung gawang tagalog:
ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod
bago makawasak n~g isang botitos.
At gayon din naman ang medias ay mura,
n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka:
iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,
n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa.
Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan
ay huag mong limutin ang panyong alampay:
alampay ay siyang tabing na tangulan
n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan.
Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod
ay dapat gamiting damit na pangloob,
ang puri mo'y upang di sumabog-sabog
sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.
Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,
sa bihis tagalog sadyang kasangkapan:
ang baro at saya kahit mura lamang
ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam.
Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis
sa kakastilaang dito ay sumapit:
m~ga nuno natin n~g tapi'y gumamit,
tapis ay nangaling sa taping binangit.
Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,
ang samâ at buti'y dian masisilip;
diyan nahahayag ang tinagong bait,
Конец ознакомительного фрагмента.
Текст предоставлен ООО «ЛитРес».
Прочитайте эту книгу целиком, купив полную легальную версию на ЛитРес.
Безопасно оплатить книгу можно банковской картой Visa, MasterCard, Maestro, со счета мобильного телефона, с платежного терминала, в салоне МТС или Связной, через PayPal, WebMoney, Яндекс.Деньги, QIWI Кошелек, бонусными картами или другим удобным Вам способом.