Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Modesto de Castro

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro


Скачать книгу
sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan. Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.

      Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suhâ, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. ¡Masayáng halac-hac na iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang anác!

      Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcód sa caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigcás nang labi mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.

      Aquing natatanao ang cauili uiling anyó mo, ang cabaita,t, cahinhinan na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio. N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.

      Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghin~gi nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian. Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na bucál sa iyo,t, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang matá mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca mahaguisan nang masamáng aglahí ay namamanghá aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay, cauili-uiling ban~gó,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahasáng salan~gin nang salan~gapang na camáy, ay capilitang magdurusa, sa pagca,t, ipinagtatangól nang tinic.2

      Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~gá nang munti, mupó sa habiha,t, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama ó ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurihán nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umupó sa tabi nang panahian, dumampót nang cayo-gumamit nang carayom, at magbuó nang damit, ó humarap caya sa calán, magtiis nang init nang apóy sa pan~gun~gusina, ó aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusunód co,i, yaong magandá mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang matá hangang sa ipiquit ay ualang catapusán, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggauá toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.

      Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucunót ang noó mo, ga namumuhí na,t, tinutugón mo aco, at nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagauá mo sa arao arao, ¿ay ano caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagauá mo n~gayong magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalaró ta, nang quita,i, musmós pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusunód, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagauá co n~gayon.

      N~gayong masunód co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinangáp mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo.—FÉLIZA.

      ANG PINAG ARALAN NI URBANA

      Si Urbana cay Feliza.—Manila …

      FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob.

      N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 … na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.—URBÀNA.

      ANG CATUNGCULAN NANG TAUO

SA DÍOS

      Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

      FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....

      Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa


Скачать книгу

<p>2</p>

Ang Reina nang man~ga bulaclac, ay ang rosa de Alejandria, talinhaga nang calinisan binabacod nang tinic nang cabaita,t, cahinhinan, at nang houag masirá.