Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Modesto de Castro

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro


Скачать книгу
sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcód sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.

      Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan. Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá. Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, matá at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Espíritu Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza, nan~gan~galó na ang camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.

      ANG AASALIN SA SIMBAHAN

      Si Urbana cay Feliza.—MANILA....

      FELIZA: Napatid ang hulí cong sulat sa pagsasaysay nang tapát na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza! ¿napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang canilang cahinhinán? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?3 ¿Diyata,i, hangang sa confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itanyág ang muc-há sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtauánan sa capoua babaye; ó uupó caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.

      Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya, sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.

      CAGAGAUAN NI URBANA

SA BAHAY NANG MAESTRA

      Si Urbana cay Feliza.—MANILA....

      FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion sá amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.—URBANA.

      CAASALAN NI HONESTO

ULIRAN NA NG MAN~GA BATA

      Si Feliza cay Urbana.—PAOMBON …

      URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba Guinoong Maria. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.—FELIZA.

      CAASALAN SA SARILI

      Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

      FELIZA:


Скачать книгу

<p>3</p>

1 Cor. 11. v.10